Wednesday, September 06, 2006

Tuesday, August 29, 2006

open love letter

naranasan mo na bang umibig at ibigin din? yun bang tinanggap ka bilang ikaw, walang labis, walang kulang. saya nun di ba?

sorry...kasi naging gaga ako at sumobra ang confident sa sarili. porket alam kong mahal na mahal na mahal mo ako, binalewala kita. hay life. ang stupid ko no?

sorry...ang tagal kong hinintay ang ganung pagkakataon tapos ngayong andyan na, hindi naman kita pinapahalagahan. ano bang klaseng utak meron ako? nagsawa? napagod at unti-unting nawalan ng pagmamahal? wala ng "spark"? isang araw nasabi ko na lang - ayawan na. game over. isa pa, napapagod ka na ding intindihin kung anong mundo meron ako. eh ano? ako naman nambalewala di ba? masaya akong wala ka! i dont care! wow astig.

sorry...ang daling sabihin..bakit bago matulog ikaw pa rin iniisip ko? bakit mga ngiti mo pa din ang nakalarawan sa utak ko? bakit hanggang ngayon hindi kita makalimutan? bakit namimis kita? akala ko ba hindi na kita mahal? bakit umiiyak ako? baka naman hindi ko lang kayang aminin sa sarili ko ang labis na panghihinayang. pano yan wala ka na? kasi kahit gusto kitang kausapin hindi ko na magawa dahil hindi ko alam kung paano uumpisahan. errrr.. ngayon, sa palagay mo, sinong niloko ko? malamang ngayon masaya ka na, habang ako'y patuloy na niloloko ang sarili sa bagay na akala ko totoo.

sorry...minsan kasi iba ang sinasabi ng puso sa totoong nararamdaman nito. minsan lang dumating ang taong pwedeng magmahal sa akin ng totoo at kayang tumanggap ng buong pagkatao ko. MINSAN lang.

salamat... dahil minsan pa ay binigyan mo uli ako ng pagkakataon. minsan pa ay napatunayan mong kaya nating ibalik ang minsan.

salamat! mahal na mahal na mahal kita!

Absence makes heart go fonder.

Absence makes heart go fonder.

I'm a strong believer of this. dapat lang. kasi matagal kaming hindi nagkikita ng bf ko. you see, we have long distance relationship. and believe me.. mahirap.. as in..

noon.. lagi kaming magkasama. sa pagkain, pagpunta sa klase, pag-internet, manood ng plays at sine, minsan kahit sa pagtulog. para lang kaming barkada, doing simple things, making it easy and getting stronger. we are happy and no cares for the world. then it all comes tumbling down.

noon... life is great, kaya hindi namin napapansin kung anu man ang nasa harap na naming problema. sometimes when you have a colorful background, you tend to ignore the gray areas, even if its right there, staring in front of you. inaamin ko bago pa man dumating ang sitwasyong ito, alam ko na, magkakaroon kami ng problema. pero binalewala ko yun. hindi ko kasi iniisip na mangyayari sa amin ang ganito. well i guess, that's life.

ngayon.. magkahiwalay na kami. pero gusto ko syang laging makasama. alam ko may mga paraan para magkausap kami at magkita kahit malayo kami sa isat-isa. pero.. mapipisil at makukurot mo ba ang text? ma-fe-feel ko ba ang init nya kapag nakikita ko sya sa webcam? kaya ko bang makipaglips-to-lips sa 3G? gusto kong ma-feel lagi just the pleasure of his company. the security i feel kapag nandyan lang sa tabi ko. but i guess, im asking too much, just like before that im taking it too much for granted.

ngayon... alam kong walang dapat sisihin na ako'y nandito pa din at sya'y malayo na. we are just making the most out of this situation. we are happy living our lives separately, doing things independently and communicating regularly. but there is a nagging feel that something is missing. para akong naputulan ng paa pero hindi ko na lang pinapansin kasi may saklay naman. kahit masakit at ngawit na ang kilikili dahil sa paggamit ng saklay, pipilitin mo pa din gamitin ito dahil kailangan mo pa ding maglakbay. yes, life goes on...

we dont let distance come between us.

gusto na kitang makita

"
parang ang bagal ng takbo ng panahon pag wala ka
alam kong walang dapat sisihin na ako'y nandito at nandyan ka
pero dahil sa malayo ka, ako'y nalulungkot na

gusto na (gusto na) kitang makita (kita kita sa mata)
gusto na (gusto na) kitang makasama (sama tayong dalawa)

ang tangang larawan ko ang unang nakikita sa umaga
bangon sa kama siguradong ang araw may bagong pag-asa
pero dahil sa malayo ka, ako'y nalulungkot na
"

-Gusto Na Kitang Makita by Session Road

kung alam nyo ang kantang ito. astig kayo!
kung saulo nyo ang kantang ito. saludo ako sa iyo!
kung feel na feel mo ang pagkanta nito. pareho tayo!

first timer

First time kong magsulat ng blog. nung una kong malaman na ang blog ay on-line diary, naisip ko, bakit blog ang tawag? hanggang ngayon ndi ko pa din alam kung bakit. (kung sino man po ang may alam paki email, ym o message sa akin) kung sino man ang nagpauso ng blog, astig! saludo! clap clap clap! with standing ovation! nakuha mo ang kiliti ng madaming tao. siguro malaki na ang kinita mo? balato naman. hehe. paano mo nalaman na gustong ibroadcast ng tao sa buong mundo ang dapat ay nasa isip lang nya? ayon nga naman sa mga psychologists, psychiatrists, counselors, advisers at friends, mas magandang ishare ang mga secrets at kung anu anu pang lumulutang sa ating mapaglarong isipan. mas nakagiginhawa daw ito ng pakiramdam. siguro kaya masyadong kumita ang blog dahil sa ganitong konsepto. ngayon malaki na ang development ng blog (yeah talk about development!) meron na ngayong blogspot para sa personal website, manghingi ng tulong, magpromote ng shows, magbenta, manloko, sumugal, magpost ng secret. dahil sa blog, lahat posible!

Hindi tungkol sa blog ang first blog ko. kumbaga sa kanta, intro ko lang yan. syempre tungkol ito sa akin at sa mga frustration ko. (pagpasensyahan nyo na, eto naisip ko na topic)

Dancing Queen??? Nope, lahat ng nakakakilala sa akin can attest that i cant dance, and nobody can make me dance. Pilitin ko man ang sarili ko, wala. talagang parehong kanan ang paa ko. kaya naman lagi kong tinatakasan ang mga kasama ko kung may presentation kami, lalo pa kung sayaw ang napili nila.

Trivia: nung Grade 1, ako ang leader sa field day. kung sa public elementary kayo nag aral, sigurado familiar sa inyo ang field day. outfit: red head band, red wrist band (totoo! red wrist band! ewan ko kung anung naisipan ng mga teacher ko) rubber shoes with hanggang knee na medyas, white short at white t-shirt na may nakatatak na malaking GRADE 1. Exercise ala aerobics ang presentation at take note leader ako. may matching sayaw sayaw pa ito. tanda ko may audition sa pagpili ng leader. imagine napili ako? i can't imagine. hehe. pero pomise totoo ito! may mga pictures akong magpapatunay dito. ayun, hanggang dun na lang ang dancing career ko.

Singing Diva??? Ahem.. kung lakas ng loob sa pagkanta ang pag-uusapan, may isang baul ako nyan! sa videoke, pumapalo ng 85-100 ang score ko, di hamak na mas mataas kesa sa mga nakukuha kong score sa exam, lalo na sa stat theory (but that's another story, maybe next blog?). ang mabigat, wala pa yatang nakakapagsabi na maganda ang boses ko. lagi na lang "wow galing". hindi ko alam kung nanlalait o namamangha sila dahil sa mataas na score, kahit hindi maganda ang pagkakakanta ko.

Trivia: Na-awardan ako nung elementary graduation as Best in Choir. Yap member ako ng choir nung elementary. Yap, katulad ng pagsayaw, hanggang elementary na lang din ang singing career ko. i cant sing to save my life.

Next Bob Ong??? siguro marami sa mga kakilala ko ang hindi nakakaalam na bukod sa pagkanta at pagsayaw, isa sa mga frustration ko ang pagsusulat. ewan ko ba, walang nadeveloped (yeah talk about development!) na talent sa akin, kung may talent nga ako. bukod sa mga requirements sa Komunikasyon I at II (nung panahon ko may tagalog version pa ng Communication I at II, ilang subjects na pampadali ng buhay estudyante), ilang article na napublish sa school organ, isang love letter, at isang diary na hindi ko pa natapos ang isang buwan, wala na akong masasabing achievements o accomplishments sa larangan ng pagsulat. pero na-iinspire ako kapag nakakabasa ako ng mga book, article, komentaryo o play. naiisip ko, teka, madali lang ito ah, kaya ko kaya ito? kaya lang, wala akong lakas ng loob na ipabasa sa iba ang ginawa ko. natatakot akong ilantad na wala naman talaga akong talent, feelingera lang ako na mayrun. wala naman akong pormal na education at training sa writing. naisusulat ko lang kung anung pumasok sa kokote ko. ilan lang ang nakapagsabi sa akin na magaling akong magsulat. as in, ilan lang! siguro mga dalawa?? hindi ko kailangan ang komplikadong computation para ipamuka na wala talaga akong ibubuga. pero eto nagsimula na naman ako, kinakapalan ang mukha, sinusubukang magsulat. atsaka who cares? blog ko lang ito!

Trivia: Nung high school, feature writer ako sa Ang Lagunian (school organ). Nawala ako sa listahan nung 4th year kasi tamad akong magpunta sa mga meetings, umatend ng seminar at magpass ng article. yap, hanggang high school lang ang career ko sa writing. at least umabot ng hight school. hehe.

kapag nasisinggahan ng sipag bumabalik ang career ko sa writing. sa tulong ng blog sana ma-revive ang na-comatose ko na talent, kung meron man.

-->> ang author ay kasalukuyang kumukuha ng economics, major in development economics, kaya lagi syang excited kapag napag-uusapan ang development (yeah talk about development!). she hopes that this is a good and sustainable development. :)